Your number 1 celebrity blog! Catch your hottest and sexiest celebrities from around the world! Check out their latest style and fashion, who's Hot or Not and their Oops or Oohs...

  • RSS
  • Delicious
  • Facebook
  • Twitter

Twitter

REAL OR REEL: DENNIS TRILLO & KATRINA HALILI

Posted by Janice - -

KATRINA HALILI, DENNIS TRILLO, CHRISTINE REYES, KAPUSO, GMA 7, REAL OR REEL


Dennis Trillo on Cristine Reyes's reported suicide attempt: "Nagulat ako at natawa..."

Late na dumating sa grand presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam last Sunday, September 21, ang leading man ng pelikula na si Dennis Trillo. Nanggaling pa raw kasi siya sa isang provincial show.



Namangha naman si Dennis sa ganda ng trailer ng pelikula nila ni Judy Ann Santos at 48th anniversary offering ng Regal Entertainment.



"Ngayon ko lang napanood yung buong trailer talaga," sambit ni Dennis. "Sulit na ulit yung isang taon [na shooting] at mabigyan ng pagkakataon ng Regal na makatrabaho ko si Judy Ann. Sobrang suwerte ko dahil ang daming naghahangad na artistang lalaki na makatrabaho siya and napakasuwerte ko na isa ako doon sa mga lalaking yun."



Ayon kay Judy Ann, hindi sila nagkaroon ng chance ni Dennis na maging close dahil may sarling mundo ang aktor kapag nagsu-shooting sila. Ano ang masasabi ni Dennis dito?



"Hindi kasi, tahimik lang talaga ako, e. So, madalas nagkikita lang kami kapag nagyayaya siya madalas kumain. Marami kasi siyang dalang pagkain talaga. And sa set, halos lahat kami laging gutom palagi. So, every break, every lunch break, every dinner, merienda, 'ayun, pupunta ako sa kuwarto niya para makikain," lahad ng young actor.



Na-feel ba niya na isang Judy Ann Santos ang kapareha niya sa pelikula?



"Isa na rin yun siyempre. Kasi hanggang ngayon, every time na nakikita ko siya, kahit na pangalawang pelikula namin itong ginawa, nai-starsrtuck pa rin ako sa kanya dahil iba yung aura. Maganda yung level of confidence saka yun, ibang level, e. Ibang level yung Judy Ann talaga. Kaya napakasuwerte ko na nakatrabaho ko siya," pahayag ni Dennis, na unang nakasama si Judy Ann sa pelikulang Aishite Imasu.



ON CARLENE AGUILAR. Ano naman ang reaksiyon niya sa nababalitang may idini-date na raw ang ina ng anak niyang si Calix na si Carlene Aguilar na mayamang businessmn?



"Ah, talaga meron ba?" balik-tanong ni Dennis. "Wala akong balita. Pero siyempre, okey yun. Karapatan din naman niya na maging masaya sa buhay niya, di ba? At kailangan maka-move on ang bawat isa sa amin kaya mabuti na rin yun siguro."



Uso raw ngayon ang balikan sa showbiz gaya ni Mylene Dizon na nabuntis ulit courtesy of Paolo Paraiso.



"Ah, hindi ko alam, e. Hindi natin masasabi kung what the future holds, di ba? Pero ewan ko."



As of the moment, wala bang chance na magkabalikan sila ni Carlene?



"Ngayon kasi mas focus ako sa trabaho ko. Kumbaga, alaga doon sa anak ko and masaya ako sa ngayon. So, ganun muna ang ginagawa ko."



Hindi ba sila nagkaroon ng bonding ni Carlene nung pini-prepare nila ang first birthday party ni Calix?



"Nakakapag-usap kami nang maayos, lalo na sa pag-o-organize nung party nung anak namin. ‘Tsaka masaya kaming parati and proud parents kay Calix. Masayang-masaya rin si Calix sa birthday party niya kasi ano, e, kitang-kita sa mukha niya na nag-enjoy talaga siya nung araw na ‘yon," sabi ni Dennis.



Never ba pumasok sa isip nila ang ideya ng balikan?



"Sa ngayon, ano, e, katulad ng sinabi ko, mas focus ako ngayon sa career ko, sa pag-aalaga ng anak ko, although hindi kami magkasama. Pero hindi naman kailangang biglain lahat, e. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Pero sa ngayon career muna at maraming ginagawa."



Hindi rin daw niya napapanood si Carlene na kumakanta sa Celebrity Duets.



"Hindi talaga ako nakakapanood. Hindi naman sa sinasadya ko. Marami lang talagang commitment ngayon. Wala talaga akong pagkakataon makapanood. Pero marami nga ang pumupuri na magaling daw siya. Sa ngayon kasi, hindi talaga ako naghahanap kasi ayokong maghanap ng panibagong problema."



ON CRISTINE REYES. Nabalitaan ba niya ang balitang nag-attempt mag-suicide ng nakarelasyon niyang si Cristine Reyes?



"Sa pagkakaalam ko, naospital siya dahil sa sobrang pagod lang ‘ata or overfatigue. Pero yung pagsu-suicide, hindi ko alam. Hindi niya siguro gagawin yun at walang dahilan."



Paano niya nalaman?



"Nakibalita ako sa mga kaibigan din niya and nakausap ko rin siya. Tinanong ko siya and ano lang, parang sa sobrang pagod dahil nagti-taping siya palagi."



May communication pa rin ba sila ni Cristine?



"Yun lang. Yung time na yun. Dahil siyempre, nagulat ako nung makarating sa akin. ‘Totoo ba yun?'"



Dinalaw ba niya si Cristine nang maospital ito?



"Wala, parang sandali lang din ‘ata siya doon. Kinumusta lang."



Na-tense ba siya nung mabalitaan niya na nag-suicide raw si Cristine?



"Nagulat ako at natawa kasi wala naman siyang dahilan para gawin yun," sagot ni Dennis.



Sigurado siya na walang dahilan si Cristine para mag-suicide?



"Parang wala, wala naman."



Paano kung siya pala ang dahilan ng pagtatangka ni Cristine sa buhay niya, bagamat itinanggi na ng kampo ng young actress ang lumabas na report?



"Hindi siguro. Imposible," sabi ni Dennis.



Ano na ang situwasyon nila ngayon ni Cristine?



"Basta maayos kaming naghiwalay. Yun lang yun. Maayos, walang galit. Walang tampo."



Bakit nag-text pa rin siya kay Cristine?



"Dahil lang po nalaman ko na may ganung balita sa kanya. So, ako siyempre, concern din naman ako kahit paano kaya tinagawan ko siya," paliwanag niya.

Credits to: Julie Bonifacio of PEP

Leave a Reply